Dalawang mukha ng “It’s Showtime: Ang Pagdiriwang at Pagluluksa

Bukas ay kaabang abang ang mga kaganapan sa It’s Showtime bukas. Sa isang banda ay ang pagdiriwang ng bagong kasal ng main host na si Anne Curtis at sa kabilang banda ay nakakagulat na kamatayan ni Hasgtags member na si Franco. Kapwa naganap ito noong Sabado, Nobyembre 11.

Isang Napakagandang Pagdiriwang. Ikinasal na nga ang sikat na aktres at isa sa mga original host ng It’s Showtime na si Anne Curtis Smith sa kanyang long time boyfriend Erwan Heusaff. Bonggang bongga ang kasal na ginanap sa isang private na lugar sa bansa ng New Zealand. Halos lahat ng mga host ng It’s Showtime ay sama samang nakipagdiwang. Napakaganda ng lugar na pinagdausan ng kasal. Inabangan din ng sambayanan ang kasal sa instagram, facebook at twitter.

Nakakapanlumong kamatayan. Habang ang mgs It’s Showtime host ay nagdiriwang ng kasal ni Anne. Isang masamang balita naman ang kumalit noon ring Sabado. Si Franco Hernandez ay namatay dahil sa pagkalunod ng tinamaan ng malakas na hampas ng alon ang bangkang motor na kanilang sinasakyan kasama ang kanyang nobya at isa pang hashtags member. isang sa mga miyembro ng Hashtags group, ang all male na grupo na bahagi at araw araw na napapanood sa “It’s Showtime.”

Paano kaya ang gagawin ng It’s Showtime? Paano nila hahawakan ang ganitong sitwasyon? Abangan po natin! Sa ngayon, congratulations Anne. Rest in Peace Franco.

Leave a comment